Healing your inner child

7k na lang utang ko after 200k na utang at 2 yrs ko bago ma achieve kasi di rin naman kataasan sahod ko tapos may bills pa.

Di ako nagsusugal. Pero mahilig ako mag shopping kasi dati super deprived ako. From 20-24 yan yung phase na grabe ako mag shopping. Dahil sa utang nauumay na ako sa mga gamit na nakikita ko. Pinagbebenta ko, halos kalahati ng gamit ko sa kwarto nabenta ko. Not an exaggeration.

Mag ingat kayo sa kaka deserve ko to. Siguro ang deserve mo ay peace of mind. Honesly addication na yung akin kasi super nahahappy ako pag may bagong gamit. Di porket sale bibili na. Di porket ukay mas mura.

Di ako magmamalinis ang lakas ng temptation. Pero ito yung kinocontrol ko kasi kilala ko sarili ko eh grabe ako mag relapse lalo na pag broken hearted ako lol as in sa shopping ko lahat nilalaan time ko.

Gawa kayo ng rule na tuwing 10 am lang kayo ng friday magchecheck out kung may gusto kayo bilihin. Palipasin niyo muna wag yung check out agad.

Pag natetempt nood kayo ng hoarders series sa youtube. Super effective.

Yun lang 🥹