fiancé

Hello. TLDR

8 years na kami ng Fiancé ko. Last month siya nag propose (?) and live in na kami for 3 years.

Sa 3 years naming live in, halos ako yung nag support sa lahat. Food, bahay, miscellaneous… etc. May work siya, pero mas malaki ang salary ko compared to him kaya mas ako nag soshoulder ng expenses sa bahay. Renting lang kami dito, kasama namin kapatid niya but kahati namin siya renta ng bahay, aside from that - wala na siya share. Kung ano na lang iabot niya, okay na for me kasi alam ko na small lang ang sahod niya as teacher.

This year, na-cardiac arrest ang mom ko, may heart problrm pala siya and nasa ICU for 9 days. Since walang magbabantay, nag LOA ako for 2 weeks. Pero sa company namin, no work no pay. Pero go lang, for our mom and besides may natabi naman ako for gantong scenario. And may HMO and Philhealth naman. Long story short, naubos pa rin savings ko + wala ako sinahod.

Nag ask ako sa bf ko at kapatid niya kung pwede pa help sa bills muna pero wala daw silang pera. So umutang ako mg 5’6. Hanggang makabangon lang naman ulit.

Times goes by, ganon pa rin set up - halos lahat sa akin despite na sobrang dami ko nang beses sinabi na tulungan nila ako. Napagod na ako and halos di na buminili ng para sa lahat. Ginawa ko, kung ano kakainin ko, yun lang bibilhin ko. Pero wala, nandon pa rin yung care ko sa kanila, bibili pa rin ako ng groceries para sa amin.

Recently, galing kami Baguio for 5 days kasama ang friends namin. Tapos sa last day, kumain kami sa dine dining. Nung bill out na, sabi ni bf siya na daw muna mag pay and bayaran na lang siya so we all agreed naman.

Fast forward, kanina, nagluluto ako agahan. Tapos nakita ko, wala na bigas so pinabili ko siya - kahit 1 kg lang. Nagalit siya kasi ayaw niyang nauutusan siya pababa kasi nasa 6th floor kami eh 😝 Anyway, pag akyat niya sabi niya mag grocery na daw kami. Kako wala na ako pera and pagpahingahin ko sana muna credit cards ko and next year na lang pag sumahod sa katapusan tapos sabi niya “wala ka na ba agad pera?” so sabi ko “oo na sagad ako this cut off kasi kababayad ko lang ng mga credit cards ko and nagpadala ako kay mami at dadi ng allowance nila. Meron pa naman ako dito 1500 pero allowance ko na to till magsahod ulit” bigla siyang parang na stress tapos nag ask ulit “pano yung bayad mo sa baguio? inaantay ko yon eh”. Medyo na-stunned ako dito, kasi sinisingil niya ako hahahahahahahahaa eh yung transpo tapos hotel share niya di ko na siningil sa kanya. Mali din ako, nag assume ako na nilibre niya ako.

Habaang nagluluto tuloy ako kanina umiiyak ako, nahuhurt ako. Sa totoo lang, lahat ng luho niya hinahayaan ko. Bumili siya ng Seiko na tig 19k hinayaan ko. Pero bumbilya sa CR na tig 79 pesos di mabili.

Last na, kagabi kasi pagkauwi ko sabi ko maglalaba ako ngayon. Sabi niya “ok sige, yung akin ihiwalay mo na lng kasi ipapalaundry ko” HAHHAHAHHA pag ako nagpapalaundry, lahat pati sa kapatid niya sinasama ko, tapos ako, ihiwalay ko daw damit ko at labhan ko.

Oo, bago matapos tong taon, hihiwalayan ko siya.