Grab ride na puro reklamo
Pauwi kami kasama ko senior parents ko. Eto na nga naka grab kami at dumating na kami sa traffic na area. Si Sir Grab non stop na rant nya na “Ang traffic pala talaga dito, kaya hindi ako dumadaan dito. Ganito ba talaga traffic dito, kaliwa’t kanan hindi gumagalaw? Hanggang anong oras po ganyan ka traffic?” Nakaka stress tuloy. Oo nakakaawa naman talaga din sila kasi pag traffic. Pero ano gusto mo gawin namin kuya? Plan ko pa naman mag tip, pero wag na lang kase eto nag ra-rant na naman sya. Hayyyy.