MCA Dating in my late 30's
M here na pushing 40s na. No kids. Never been married. May stable and good paying job. May mataas na position na din at gusto pang tumaas. May small business din on the side. Going to the gym regularly. Di naman panget. Sakto lang. Haha.
I'm trying bumble for the first time, pero feeling ko, wala ako masyadong nakaka match na matino. Either desperate na sila to find a partner or madaling bumigay. E kadalasan pag ganyan, nate turn off na ako agad. Pag nasa office naman, may mga nagugustuhan ako pero usually mga younger than me. Besides, mahirap dumiskarte sa office pag medyo may position ka na. I don't want to risk my career. Sobrang tamad ko naman na din gumala at lumabas. Mas gusto ko na ng tahimik. Labo ko din e. 😅
EDIT. May nag message na lagay ko daw gusto ko sa babae. Eto na. Gusto ko sana ung cute mag smile. Maganda. Di na nga tayo masyadong pogi, hahanap pa tayo ng di maganda, kawawa naman magiging anak namin. 😂 Maalaga. Magalang. Hindi masyadong clingy. Yung may sariling buhay outside the relationship. Supportive kasi mataas pangarap ko sa corporate. May sense kausap. Not really bookish pero at least you know street smart. Sorry na. ✌️