Gigil ako sa kapitbahay ko na nagpabuntis kahit may cancer siya

I should've minded my own business kasi hindi ko naman battle ito. But I can't help but get pissed by this irresponsibility kasi. At the same time, naaawa ako sa welfare ng baby. Alam naman niya na may cancer siya, tas nag-undergo pa ng chemotherapy, iniwan ng dating katipan kasi humanap ng iba nung nagkasakit siya, tas ngayon jinowa ng katrabaho ng ex niya and wala pang one year sila, nabuntis na. Tas ngayon, sasabihing blessing daw iyon ni Lord? Witness ba si Lord sa chukchakan sessions ninyo? Igagaslight na lang yung sarili e no? Grabeng coping mechanism naman 'yan. Gamit na gamit na naman pangalan ni Lord.

Now, I don't know about chemotherapy a, kung safe ba yun sa baby or hindi. Basta may guidance naman ng doctor, edi mabuti. Last year pabalik-balik siya sa ospital kasi nga need niya mag-undergo, tas mahihinto na naman kasi kapos din sa pera. Tas mati-trigger ulit yung sakit, balik na naman sa hospital. Tas ngayong buntis, ewan ko lang nahinto na ba yung pa-chemo niya. Malay ko na.

Galit din ako sa lalaki niya. Patunay talaga no na sariling libog lang ang iniisip. Mahirap bang gumamit ng condom muna? Bakit ba kasi wala tayong kaalaman sa ganitong usapin? Kawawa dito yung baby nila.

Basta. Di ko na alam kung maaawa ba ako o maiinis sa kanila. Bakit ko ba kasi ito prinoproblema? Hindi naman ako yung nabuntis? Good luck na lang sa kanila siguro. Sana nga safe yung pagbubuntis niya at okay lang 'yung baby. Sana nga blessing ni Lord si baby.

When will we ever learn?

Ewan.