Is cheating subjective?
So since may mga messages ako narreceive, clarify ko lang. Basically, yung tanong question ko is about sa idea kung ang panloloko ba sa relationship ay may fixed definition o kung depende lang siya sa pananaw ng bawat tao. Point is kung may universal standard ba ng cheating o kung case-to-case basis siya, depende sa values, boundaries, at paniniwala ng isang tao o mag-partner.
Kasi may mga bagay na para sa iba cheating na (like yung partner nila may ka-meet up na ibang babae kahit walang nangyari), pero sa iba, okay lang yun basta walang feelings or physical cheating involved. So dito lumalabas yung tanong—subjective lang ba ang cheating o cheating pa rin yun kahit okay lang sa iba?