ABYG na pinagsabihan ko yung cashier na ang payat niya?

This happened kanina lang.

My hubby 27M and I 27F went to SM para magrocery. Yung anak namin nangungulit na gusto ng kumain kaya pumila na sila sa waffle sa unahan ng grocery kahit na nagpapunch in pa ng items namin yung cashier. Naiwan ako sa counter at that time ihing ihi na din ako then nung nabayaran ko na sabi ko miss balikan nalang to ng asawa ko magccr lang ako. Nakita naman niya yung asawa ko at si hubby din naglagay ng items sa counter. Kaya nakita niya talaga. Sinabi ko din to kay Kuya na nagbabox ng grocery na babalikan ng asawa ko. Biglang nagsabi yung cashier na “Yung mataba na lalaki na bilog, na nakaitim na damit” nagpintig tenga ko talaga sakto may period ako ngayon. Sinabihan ko siya “Wow ang payat mo naman miss” tapos nagsorry naman siya at nagtinginan sila ni kuyabg bagger. Tapos pagtalikod ko narinig ko sinabi ni Kuya bagger tinawanan yung cashier na nakahanap ka ng katapat mo.

Naoffend ako the way na pagkakasabi niya. Etong cashier na to is mataba din naman.

5’8 asawa ko 78kg niya medyo bilogan siya pero for me sakto lang siya kase matangkad naman siya. Tbh mas malaki pa nga siya sa asawa ko lol. Sensitive ba ko?

ABYG if sinabihan ko siya na ang payat niya?

UPDATE AND ADDED INFO: Hello! May nagmemessage din sakin ako daw gago kase nagdedescribe lang naman daw si Cashier maybe wala naman daw siya gusto ipoint out. Before that alam ko ng judgemental siya kase yung unang kasabay ko sa pila may kasama na child na may autism and halata sa bata na meron siya neto, pagkakuha ng magnanay ng pinamili nila at pagkatalikod tiningnan ng cashier yung magnanay naglalakad palayo habang pinapunch niya na yung items namin nagsabi siya kay Kuyang bagger “abnoy yung bata sayang” Which is nakaadd din sa inis ko ata that time kaya pinatulan ko na talaga siya nung nagremarks siya ng ganun sa hubby ko.